Saturday , February 15 2025
KC Concepcion Sharon Cuneta
KC Concepcion Sharon Cuneta

Sharon aminadong magkaugali sila ng anak na si KC — bullheaded, stubborn and strong-willed

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Sharon Cuneta sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, nagpakatotoo ang Megastar sa pag-aming hindi talaga swak ang ugali nila ng kanyang panganay na si KC Concepcion, mula kay Gabby Concepcion, na una niyang asawa.

Hanggang ngayon nga raw ay away-bati pa rin sila ni KC.

Aniya, pareho silang bullheaded, stubborn and strong-willed ni KC, pero very opposite umano ang kanilang pag-uugali.

Opposite ang ugali namin so hindi maiwasan ‘yung nagbabanggaan. Pero kung pagmamahal at pagmamahal lang…” ani Sharon na idiniin ang pagmamahal kay KC.

Ayon pa kay Sharon, hinahanap niya ang dati niyang relasyon sa unang anak.

Nami-miss ko ‘yung dating relationship namin noong bata pa siya.”

Sa paglaki raw ni KC ay unti-unting nagkalayo ang kanilang loob.

Binanggit din ni Sharon ang pinakamasakit na isyu na nakarating sa kanya pagdating kay KC.

Na ayaw kong sumikat ‘yung anak ko.

“Parang sakit na sakit ako roon kasi sinong matinong magulang, lalo kung artista ka, ang gugustuhin mong anak pa ng ibang tao ang sumikat kaysa sarili mong anak?

“Kung may papalit sa ‘yo o susunod sa ‘yo, siyempre, gusto mo ‘yung sa ‘yo, ‘di ba?

“Na ako kaya ang dahilan kung bakit minsan malayo siya sa akin, or hindi ko alam, ah.

“‘Yun ang pinakamasakit na nakarating sa akin na baka kaya hindi kami magkasundo kasi…

“It was so shocking to hear certain things na never nangyari o never man lang dumaan sa isip ko.

“Parang ‘wag mong pagkompetisyonin ‘yung mag-ina.

“Nahu-hurt ako sa ganoon. ‘Yun na naman, pumapasok ‘yung, ‘Bakit may taong ganoon kasama na ilalagay sa utak ng anak mo ‘yun.’

“At ang prayer ko sana hindi siya maniwala.

“That is a total lie. Or kung mayroon mang naglagay niyon sa utak niya.”

Bilang ina, kaya raw ibigay ni Sharon ang buhay para sa anak.

Noon pa napapabalita na hindi close si KC kay Sharon. At mas malapit ito sa kanyang amang si Gabby.

So, base sa naging pahayag ni Sharon, ang dahilan ay may nakarating kay KC na ayaw  niyang sumikat ang anak.  Na siguro nga ay pinaniwalaan ni KC.

Pero ayon naman kay Sharon ay wala itong katotohanan.

About Rommel Placente

Check Also

Maris Racal Incgonito

Maris pinuri pagiging palaban, napatakbo ng naka-bra’t panty kahit malamig

MA at PAni Rommel Placente NAG-VIRAL ang bra’t panty scene ni Maris Racal sa ABS-CBN series na Incognito. Sa kanyang Instagram post, …

Jillian Ward Coco Martin Vice Ganda John Lloyd Cruz

Jillian gustong makatrabaho sina Coco, Vice, at John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente AYON sa lead star ng Kapuso series na My Ilonggo Girl, …

Nathan Studios MMFF Lorna Tolentino

Nathan Studios sasali muli sa MMFF; Lorna bibida sa pelikulang pambata

RATED Rni Rommel Gonzales KAABANG-ABANG ang pelikulang isasali ng Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. “Gigiling …

Marvin Agustin Jolina Magdangal Ex Ex Lovers

Marvin inamin challenge sa kanila ni Jolens ang magpakilig ngayon 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAPOS ang maraming taon ay muling nagsama sa isang pelikula sina Marvin …

Francia Cheche Camacho Conrado Gabby Ramos

FAMAS at REMS Entertainment sanib puwersa sa Famas Short Film Festival

HARD TALKni Pilar Mateo NAPAKALAKI ng pagpapahalaga ng Pangulo ng Filipino Academy of Movie Arts and …