Friday , April 19 2024
Ogie Diaz Liza Soberano

Ogie Diaz kay Hope — gusto kong makabalik muli si Liza, magningning muli ang career niya

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGBIGAY na ng reaksiyon ang dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz tungkol sa sinabi ng aktres sa kanyang YouTube vlog, na noon daw ay kinokontrol siya ng mga tao sa paligid niya. Na sinusunod na lang niya ang mga ito kung ano man ang gustong ipagawa sa kanya.

Sabi ni Ogie, “Gusto ko na lang unawain at intindihin ang kanyang kuwento tungkol sa 13 years ng kanyang showbiz career. Kung sinasabi ni Liza na parang kinokontrol siya ng mga tao sa paligid niya, kung ako man ‘yan at sa Star Magic, gusto kong magpasalamat kay Liza kasi sinunod niya kami kaya siguro, sumikat siya.

“Imaginin ninyo kung walang nangyari sa career ni Liza noong hawak ko siya at ng Star Magic, malamang iba ang narating niya ngayon, at least ok na ‘yan kaysa naman nagra-rant dahil walang magandang bagay na nangyari sa career, ‘di ba,” dagdag niya.

Ipinaalala rin ni Ogie na noon ay hinihingan din ng opinion at sugguestions si Liza ng Star Magic tungkol sa kanyang career.

Anak, lagi kang binibigyan ng chance to say your piece, your opinion, your suggestion. Pinakikinggan ka rin naman ‘pag may complaints ka pero minsan ‘di ba we have to meet halfway.

“Pinagbibigyan mo naman ang production ‘pag nilambing ka nila and I thank you for that. “Pakikisama ang tawag doon, anak, 

“Pakikisama para in the future, may aanihin. Kapag may ayaw ka, anak, isinaalang-alang din nila ‘yun ‘di ba. 

“Tandaan mo anak,  narating mo ang fame ‘di lang dahil sa akin at sa Star Magic, ng ABS-CBN, at ng production staff, dahil din ‘yan sa dedication mo sa trabaho, dahil ‘yan sa’ yo.

“Kaya palakpakan mo rin ang sarili mo ah, lahat ng ito, ng narating mo, pinaghirapan mo ‘yan, anak, para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Sila ang inspirasyon mo, kaya minahal mo rin ang career mo.”

Nagbigay din ng paliwanag si Ogie tungkol sa sinabi ni Liza na hindi niya pinili ang screen name na Liza Soberano para baguhin ang tunay niyang pangalan na Hope Soberano.

Anak, sinabi mo na ‘I didn’t choose the name Liza, it was chosen for me.’ Anak ‘yung screen name na Liza Soberano na ibinigay sa ‘yo ni Tita Malou Santos, ng Star Cinema, ‘yan ang nagtaguyod sa pamilya mo.

“Nabigyan mo ng bahay at magandang buhay ang Daddy mo, nakakapagpadala ka rin ng tulong sa Mommy mo sa States. Naibili mo ng bahay sa Amerika ang lola at lolo mo na kumupkop sa inyo ng kapatid mong si Justin noong mga bata pa kayo sa Amerika, lahat ‘yan dahil sa ‘yo, dahil sa pagiging Liza Soberano mo, anak.

Mas issue siguro ‘yung screen name kung tumatak sa mga utak ng tao, ng mga Filipino, kung hindi ka tinangkilik,” aniya pa.

May mensahe naman si Ogie sa kanyang bashers pagkatapos maglabas ng statement ang dating alaga na si Liza sa kanyang YT vlog.

“Kaya roon sa mga basher ko na sinasabing mukha akong komisyon, mukha akong pera, na palibhasa hindi ako ini-renew bilang manager ni Liza, na pinayaman ako ni Liza Soberano, na kundi dahil kay Liza mamamatay ako sa gutom, darling, no man is an island, ‘pag hindi niyo alam ang meaning niyan baka kayo ang mamatay sa gutom.”

Sa kabila ng statement ni Liza, hangad pa rin ni Ogie na patuloy na maging matagumpay ang girlfriend ni Enrique Gil sa kanyang career.

I wish you good luck sa bagong bihis na Liza Soberano. Alam mo ito, lagi kong sinasabi kahit kanino, malaki ang utang na loob ko sa ‘yo dahil ang mga kinita ko sa ‘yo bilang manager ang ipinambabayad ko sa hospitalization ng inaanak mong si Miracle noong 2017 na six years old na siya ngayon.

“Siyempre, ako bilang former manager ni Liza, buksan mo man ang puso ‘yun ang laman, na gusto kong makabalik uli si Liza. Gusto ko, magningning uli ang career niya. Alam ko kaya pa ni Liza, alam ko may asim pa si Liza. Hinihintay lang siya ng fans,” dagdag niya.

Nung naghiwalay tayo bilang manager-talent, sabi ko sa ‘yo, basta ‘pag may concerns ka, problema o tanong ka nandito lang palagi ang Tito Ogie mo, maghihintay lang ng tawag o text mo.”

Nakatutuwa si Ogie, hindi pa rin siya nagsalita ng laban kay Liza. Mabait lang talaga ang talent manager, vlogger, comedian, talk show host, at influencer, sa totoo lang naman.

About Rommel Placente

Check Also

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Mutya at Beaver may chemistry sa big screen

ni Allan Sancon HALOS mapuno ang SM The Block Cinema 3 sa dami ng mga …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Jillian Ward

Serye ni Jillian nakikiangkas sa ratings ng Showtime?

RATED Rni Rommel Gonzales ISA pang fake news ay ‘yung mga kumakalat na kesyo “nakikiangkas” …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

BarDa, Ruca, JulieVer pinababalik sa Canada para muling mag-concert

RATED Rni Rommel Gonzales FAKE news ang mga kumakalat na balitang flop ang Sparkle show tour sa …