SI John Lloyd Cruz ang nakabinyag sa labi ni Jennylyn Mercado sa screen.
Hindi na iyo. matandaan ni Lloydie at nagulat pa siya sa rebelasyon ni Jen sa press visit ng pelikula nilang Just The 3 Of Us na nagkasama na sila noong extra pa siya at hindi pa sumali sa Starstruck. Nakaeksena niya si JLC sa seryeng Kay Tagal Kang Hinintay.
“Hindi ko alam kung naalala ni Lloydie ‘yun kasi nag-extra ako rati. Tinawagan ako ng manager ko sabi baka puwede ako mag-extra sa soap nila ni Bea (Alonzo) yung ‘Kay Tagal Kang Hinintay’ .
“May kissing scene pa nga tayo noon,” kuwento pa ni Jen habang gulat na gulat at hindi maalala ni Lloydie.
Gusto tuloy hanapin at panoorin ni John Lloyd ang serye na ‘yun para mapanood ang eksena nila ni Jen. Sey pa ng aktor, grabe raw kasi ‘yung serye na ‘yun at masyadong intense ang ipinagagawa sa kanya.
“Naku iba hitsura ko noon long hair ako at maitim pero ngayon maputi na ako ‘di ba?,” bulalas ni Jennylyn.
Mas malala na ang mapapanood sa dalawa sa April 27 dahil mayroon silang love scene sa Just The 3 Of Us.
TALBOG – Roldan Castro