Thursday , June 4 2026

Lloydie, unang nakatikim sa labi ni Jen

SI John Lloyd Cruz ang  nakabinyag sa labi ni Jennylyn Mercado sa screen.

Hindi na iyo. matandaan ni Lloydie at nagulat pa siya  sa rebelasyon ni Jen sa press visit ng pelikula nilang Just The 3 Of Us na nagkasama na sila noong extra pa siya at hindi pa sumali sa Starstruck. Nakaeksena niya si JLC sa seryeng Kay Tagal Kang Hinintay.

“Hindi ko alam kung naalala ni Lloydie ‘yun kasi nag-extra ako rati. Tinawagan ako ng manager ko sabi baka puwede ako mag-extra sa soap nila ni Bea (Alonzo) yung  ‘Kay Tagal Kang Hinintay’ .

“May kissing scene pa nga tayo noon,” kuwento pa ni Jen habang gulat na gulat at hindi maalala ni Lloydie.

Gusto tuloy hanapin at panoorin ni John Lloyd ang serye na ‘yun para mapanood ang eksena nila ni Jen.  Sey pa ng  aktor, grabe raw kasi ‘yung serye na ‘yun at masyadong intense ang ipinagagawa sa kanya.

“Naku iba hitsura ko noon long hair ako at maitim pero ngayon maputi na ako ‘di ba?,” bulalas ni Jennylyn.

Mas malala na ang mapapanood sa dalawa sa April 27 dahil mayroon silang love scene sa Just The 3 Of Us.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …