Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magkapatid niluray  ng kapitbahay (Kapalit ng P150)

MAAGANG napariwara ang buhay ng magkapatid na batang babae makaraan halinhinang gahasain ng hayok sa laman na kapitbahay sa Marilao, Bulacan.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Romeo Caramat, officer-in-charge ng Bulacan PNP, ang magkapatid na biktima ay itinago sa pangalang Amy, 8-anyos, at Lucille, 16-anyos, kapwa residente sa Brgy. Sta. Rosa 1, sa naturang bayan.

Habang agad naaresto ang itinuturong suspek sa panggagahasa na si Dante Villan Candelaria, 27, dating naninirahan sa Quezon City at Lambingan, Tanza, Cavite at ngayon ay residente sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa ulat, ang unang panggagahasa ay naganap kay Amy dakong 4 p.m. sa loob mismo ng bahay ng tiyahin ng biktima.

Sinasabing nagpunta ang bata sa bahay ng tiyahin para makipanood ng telebisyon habang ang suspek ay nasa sala.

Makaraan ang ilang saglit, tinawag ng suspek ang biktima at inuutusang siya ay imasahe kaya lumapit ang bata.

Sa puntong ito ay minolestiya ng suspek ang biktima sa pamamagitan nang sapilitang pagpasok ng daliri niya sa kaselanan ng bata na hindi nagawang magpagibik dahil sa takot.

Makaraan ang insidente, binigyan ng suspek ang bata ng P50 kasunod ang bilin na lagi siyang bibigyan ng pera basta sumunod lang sa kanyang mga utos.

Habang dakong 5 p.m. nang araw ding iyon, sumunod na ginahasa ng suspek ang nakatatandang kapatid na si Lucille na nakipanood din ng telebisyon sa bahay ng tiyahin.

Sa ulat, napag-alamang habang nanonood ang biktima ay biglang tumabi sa kanya ang suspek kasunod ang pagyakap at paghimas sa kanyang maselang bahagi ng katawan.

Pinilit ng biktima na pigilan ang suspek ngunit nanaig ang lakas ng salarin hanggang nailugso ang kanyang puri.

Makaraan ang insidente ay binigyan ng suspek ang biktima ng P100 kasunod ang pagbabanta na sasaktan kapag may nakaalam ng insidente.

Ngunit hindi natakot si Lucille at isinumbong sa magulang ang ginawang panghahalay ni Candelaria hanggang mabulgar pati ang panggagahasa sa nakababatang kapatid.

Inireklamo ng pamilya sa himpilan ng pulisya ang suspek na agad naaresto at ngayon ay nahaharap sa two counts kaso ng rape sa Bulacan Provincial Prosecutor’s Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …