Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tabloid, instrumento sa pagsikat ni Maine

MASA ang mayoryang bumubuo sa mga sumusuporta sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza hanggang sa maluklok sa pinakamataas na antas ng kasikatang tinatamasa nila ngayon.

Masa na ang pangunahing babasahing tinatangtangkilik at binabasa from cover to cover ay mga tabloid tulad ng Hataw. Siyempre, ang paboritong buklatin agad ng mga ito ay ang showbiz page na hindi nawawala ang balita tungkol sa AlDub.

Kaya nakalulungkot—kundi man nakapanggigigil—na ang iba sa mga tagahanga ng AlDub ay basura umano ang tingin sa mga tabloid writer. At kabilang kami sa mga ‘yon.

Ikinompara pa ng mga ito ang mas angat na broadsheet writer. For whatever it’s worth, sige, pag-aaksayahan namin ng panahon ang mga AlDub fan na ‘yon.

Totoong magkaiba ang broadsheet at tabloid sa maraming bagay: laki o sukat ng diyaryo, lengguwahe at maaaring lugar kung saan ito nakabuyangyang sa pamilihan.

Pero kung malawak lang ang tila saradong isip, kundi man inaagiw na utak ng ilang AlDub fans, it is the masses’ staple reading material—ang tabloid—ang naging malaking instrument sa pagsikat ng kanilang iniidolo.

Una na riyan ang katotohanan that tabloids far outnumber the country’s broadsheets.  And let’s face it, mas marami ang nakaiintindi ng lengguwaheng gamit sa tabloid.

We have nothing against broadsheet writers. Mga kaibigan namin ang karamihan sa kanila, at nagkikita-kita rin kami sa mga event o pagtitipon na pare-pareho kaming naiimbitahan.

Ang diperensiya ay wala sa kanila, kundi sa mga mismong mambabasa who treat tabloid writers as inferior.

Kung basura ang mga tabloid writer dahil basura rin ang mga isinusulat ng mga ito, hindi ba’t basura ring matatawag ang mga nagbabasa nito tulad ng ilang AlDub fans who perceive us to be such?

Basura pala, eh, bakit n’yo kami binabasa?!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …