NAKATATAWA itong si Valeen Montenegro.
Tumalilis daw ito sa isang presscon at parang takot na mapag-usapan ang tungkol sa pagiging third party niya sa hiwalayan ni Ciara Sotto sa kanyang husband.
Hinabol pa siya ng isang writer after the presscon para lang pag-usapan ang tungkol doon.
Nagpaunlak naman si Valeen kaya lang nakiusap ito na walang personal na question.
Takot na nga ba si Valeen na sagutin ang controversial question? O pinagpayuhan siya na iwasan na ang mga tanong na ganoon dahil hindi naman ito makatutulong sa kanyang career?
Naku, tiyak na magre-react na naman itong si Ciara. Knowing her, kapag nalaman niyang tumakas si Valeen sa presscon para lang makaiwas sa tanong sa kanya ay tiyak na magra-rant ito sa kanyang social media account.
UNCUT – Alex Brosas