Thursday , June 13 2024

Illegal terminal sa Plaza Lawton lusawin, pay parking dapat ilipat sa city government! (Reyna L. Burikak kinalambre)

Lawton Illegal Terminal

NASA panic mode raw ngayon ang operator ng illegal terminal sa Plaza Lawton na si Reyna L. Burikak.

Nag-inspeksiyon kasi ang Manila Police District – Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) sa pangunguna ng kanilang hepe na si P/Supt. Olive Sagaysay, kasama ang mga kagawad ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at Manila Metropolitan Development Authority (MMDA), kamakalawa (Miyerkoles ng umaga).

Mabilis na nalinis ang Plaza Lawton. Nawala ang mga naka-park na UV Express, mga bus at mga colorum van pero naiwan ang mga basura, ang maantot at mapanghing amoy sa lugar.

Naiwan din ang tolda na may tatak pa ng barangay at itinurong tambayan ng mga nangongolek-tong sa illegal terminal.

‘Yun lang, pagdating ng tanghali, lumatag na naman ang illegal parking.

Sa magkanong ‘este anong dahilan?!

Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha at tigas ng sikmura si Reyna L. Burikak at lantaran niyang ipinamumukha sa mga awtoridad na hindi siya kayang pasunurin sa umiiral na batas.

Ipinagmamalaki ba ni Reyna L. Burikak, na tinatapalan niya ng kuwarta ang Office of the Mayor, Office of the Vice Mayor, ang MPD, ang MMDA, ang NCRPO at baka maging ang tanggapan ng LTO at LTFRB ay nasa listahan na ng illegal terminal queen!

Patay kang bata ka!

Mantakin ninyo, maging ang RHPU-NCR, nagrerekorida sa Plaza Lawton?!

NCRPO chief, Gen. Joel Pagdilao, alam mo ba ‘yan?

Sabagay, ganyan talaga kapag ‘matsura’ na, parang bulldog na kumakapal ang mukha at lumalaylay ang mga kuluntoy.

At isa ‘yan sa bumabagabag kay Reyna L. Burikak, baka kasunod niyan ay Alzheimer’s disease na… paano na ang mga kolek-tong?!

‘E ‘di happy sina Sungay at Nguso na nakasiksik sa saya at pinagtitiisang ‘simsimin’ ang mapanghing singit ni Reyna L. Burikak.

Hakhakhakhakhak!

By the way, bakit ba hindi tuluyang lusawin ang illegal terminal na ‘yan sa Plaza Lawton na pinagsasalukan ng kuwarta ni Reyna L. Burikak at maglaan ng isang lugar ang pamahalaang lungsod ng Maynila na pagpaparadahan ng mga UV Express at ipamahala sa MTPB?!

Imbes LGU ang kumikita, isang murderer na Reyna L. Burikak ang nagkakamal ng kuwarta at tila inaaring sa kanya ang Plaza Lawton.

Tsk tsk tsk…

Lusawin ang mga illegal terminal sa Barangay 659-A na pinagkakanlungan din ng mga kolorum!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *