Sunday , December 22 2024

600 pamilya homeless sa Muntinlupa fire

TINATAYANG aabot sa P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo at halos 600 pamilya ang naapektohan sa sunog sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Muntinlupa Bureau of Fire Protection, dakong 11:30 p.m. nang magsimula ang sunog sa bahay ni Daniel Acubo, sa Bagong Sibol, Putatan at mabilis na kumalat sa katabing kabahayan na yari sa light materials at natupok ang may kabuuang 100 bahay sa naturang lugar.

Nasugatan sa kaliwang paa ang biktimang si Annalie Aninang, at agad ginamot ng nagrespondeng medical rescue team.

Naapula ng nagrespondeng mga bombero bandang 3 a.m. ang sunog na umabot sa Task Froce Bravo.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Samantala, agad nagbigay ng tulong si Mayor Jaime Fresnedi sa mga residenteng nasunugan.

About Manny Alcala

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *