This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
TUMIMBUWANG na walang buhay ang isang seksing babae makaraang barilin sa ulo ng hindi nakilalang lalaki sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Bianca Watson, tinatayang 18 hanggang 22-anyos ang edad.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang pamamaril.
Base sa imbestigasyon ni PO3 Rommel Habig, , dakong 2:45 a.m. nang biglang bulabugin ng putok ng baril ang mga pulis sa Malabon Police Community Precinct (PCP)-3 sa Hiwas St., Brgy. Longos ng nasabing lungsod.
Pagkaraan ay natagpuang nakahandusay ang duguang biktima na wala nang buhay.
Inaalam pa ng pulisya ang ulat na asset ng mga pulis ang biktima at kung ang pagpatay sa kanya ay may kaugnayan sa droga.