Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasal nina James at Nadine, ‘di na nga ba tuloy?

112015 jadine

00 fact sheet reggeeSANGKATERBANG  OTWOListas ang nagtatanong sa amin kung tuloy pa ba ang kasal nina James Reid at Nadine Lustre bilang sina Clark at Lea sa kilig-seryeng On The Wings Of Lovedahil base kasi sa inilabas na teaser ng Dreamscape Entertainment ay nakaupo sa isang bench ang dalawa sa harapan ng Fine Arts Museum, San Francisco na  binalikan nila ang mga alaala nila noong bago sila magkakilala.

Ano raw ibig sabihin ng sinabi ni Clark kay Lea na, ”kung mahal ka, babalikan ka? Kung mahal ka niya talaga, iiwan ka ba niya?”

At bago naman umere ang OTWOL noong Biyernes ay nag-post si Direk Antoinette Jadaone ng, ”Ayan naaa, teaser of the SFO, Lake Tahoe scenes, of the beginning of the end.”

So ano nga ba ang mangyayari?

Anyway, OTWOLISTA rin pala si Sandiganbayan Associate Justice Samuel Martires ng Anti-graft court’s Third Division dahil sinusubaybayan niya ang On The Wings of Love,Pangako Sa ‘Yo, at FPJ’s Ang Probinsyano.

Kaso simula noong Miyerkules, Enero 10 ay hindi na niya napapanood ang mga nasabing teleserye ng Dos dahil kailangan niyang maagang matulog para sa hearing niya sa tinaguriang pork barrel queen na si Ms Janet Lim-Napoles sa kasong P10-B pork barrel scam.

Hiniling nga ng abogado ni Napoles na si Atty. Stephen Davidna kung puwede ay huwag ng dumalo ng hearing ang kanyang kliyente kasi nga hindi gaanong nakakatulog dahil kailangang 2:00 a.m. ay gising na para dumalo sa twice-a-week hearings nito na nagsimula noong Miyerkoles, Enero 20.

Ang katwiran ni Justice Martires, ”do you think we’re enjoying this?

“We’re hearing cases in the morning and afternoon. I also wake up at 4 a.m. to prepare.”

Sa madaling salita, hindi pinagbigyan ang kahilingan ni Napoles.

Dagdag sabi pa ni Justice Martires, ”that’s why I have to sleep early and because of that, I have not been able to watch ‘Pangako Sa ’Yo’ and ‘On The Wings of Love. That’s why (I’ve managed) to catch only ‘Ang Probinsyano.”

Sa I Want TV mo na lang po panoorin Justice Martires.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …