Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, gustong masama at maging Dabarkads

011316 Herbert Bautisa vic sotto
TYPE pala ni mayor Herbert Bautista na maging Dabarkads.

“Ang una kong gusto sana, kung bibigyan ako ng pagkakataon ni tito Tony Tuviera, ni Tito Sen (Tito Sotto), ni Marvic (Vic Sotto), boss Joey (de Leon), at tita Malou (Choa-Fagar), baka puwede naman akong isaksak kahit one or two days sa ‘Eat Bulaga’,” rebelasyon ni Mayor Herbert recently sa lst birthday treat niya for movie writers celebrating their natal day in January, February and March.

“Si Vic I’ve worked with him since 1985. On and off, nagkikita kami.

“Siya nga ang maraming advice sa akin like mahirap ‘yung mag-mature na mag-isa. Several times, tuwing magko-consult ako sa kanya o magkukuwentuhan kami, he’d always say na mahirap mag-isa, na you’ll need somebody that you will care for and care for you. And I think he has found that person kay Pauleen na tunay na magmamahal sa kanya so I’m happy for them,” sabi pa ng star ng Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Aniya, nasubaybayan niya ang Eat Bulaga noong nasa Broadcast City pa ito.

“’Flordeluna’, ‘Kaluskos Musmos’ (days pa) ay nandoon na ako. Tapos noong nag-channel 2 sila nandoon ako. Noong nag-channel 7, ganoon din. I mean, on and off naman, eh, hindi lang siya ma-formalize. In fact tinext ko kay Malou ‘yan. Maganda ang samahan. Kilala ko naman si Ruby (Rodriguez), si Jimmy(Santos) nakatrabaho ko. Ang TVJ (Tito, Vic and Joey) ay nakatrabaho ko.I want to work with Paolo  (Ballesteros), Jose (Manalo),” say niya.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …