Thursday , June 4 2026

Singer na iniisnab-isnab ng recording company, hinahabol ngayon dahil sa pagpatok ng mall show

00 blind itemNAALIW ang talent manager sa isang recording company na biglang naging interesado ngayon sa alaga niya dahil patok ang nakaraang mall show nito at umabot na sa gold record ang album.

Kuwento mismo ng talent manager tungkol sa recording company, ”nakakatawa lang sila (head ng recording company) kasi rati hindi nila pinapansin si (singer), inilapit ko sa kanila, deadma sila.

“Kaya naghanap ako ng producer ng album at ngayong nakahanap at okay ang result lahat ng record sales at mall shows, bigla akong tinawagan at sinabi willing nilang i-produce ng show si (singer)? Ano ‘yun?

“Puwede naman naming i-produce si (singer) ng show niya at may producer na kaming nakuha.

“Nakakaloka lang sila, noong una ayaw nila kasi ayaw nilang sugalan, ngayong may sumugal, at saka sila papasok, nakakahiya naman sa producer na nagtiwala sa alaga ko.”

Sabi namin sa kausap naming talent manager, ‘ganoon talaga business is business’ tama ba Ateng Maricris?

As of now ay going Platinum na ang album ng alagang singer ng nasabing talent manager na at saka na namin papangalanan, ha, ha, ha, ha.

( Reggee Bonoan )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …