Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nilait ng dyowa bebot nagbigti

MALAKI ang hinala ng pulisya nagbigti ang isang 35-anyos babae makaraang laitin ng kanyang kinakasama kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Hindi na naisalba sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang buhay ng biktimang si Jenny Oklonario, ng 118 Tenement Building, Punta, Santa Ana, Maynila.

Ayon sa report kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel Doria, naganap ang insidente dakong 1:30 a.m. sa kanilang bahay sa 2429 M. Dela Cruz St., Brgy. 127,  Zone 13 ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, natutulog ang biktima nang magising sa ingay ng pakikipag-inoman ng kinakasama niyang si Almario Flores, 54-anyos.

Lumabas ang biktima at pinauuwi ang nakikipag-inomang kinakasama ngunit nagalit ang lalaki at siya ay nilait na nagresulta sa kanilang pagtatalo.

Pagkaraan ay umuwi ang biktima at pumasok sa kanyang silid habang nagpatuloy sa pakikipag-inoman si Flores. 

Ngunit nang umuwi si Fores ay natagpuang nakabigti na ang biktima at wala nang buhay.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

P6.8-B shabu Speed boat Paluan Occidental Mindoro

Sa abandonadong bangka
P6.8-B shabu natagpuan ng mga sundalo

NADISKUBRE ng tropang militar ang P6.8-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang abandonadong speedboat sa …

Arrest Shabu

P142.8-M ‘obats’ nasabat; 2 tulak timbog sa buybust

NASAMSAM ang hindi bababa sa P142,800,000 halaga ng hinihinalang shabu, habang nadakip ang dalawang pinanininiwalang …

NBI NMIS

Sa isang ‘planta’ sa Makati  
KARNE NG ASO FOR SALE ONLINE, 5 VIETNAMESE  ARESTADO

NASAKOTE ang limang Vietnamese nationals na pinaniniwalaang sangkot sa bentahan online ng processed dog meat …

arrest, posas, fingerprints

Kulang 48 oras
SINIBAK NA PARAK, KASAPAKAT ARESTADO SA PINATAY NA PULIS SA BULACAN

NAARESTO ng Police Regional Office 3 ang dalawang suspek na sangkot sa pamamaril sa isang …

Nueva Ecija Police PNP

2 bangkay sa sinunog na kotse kinilala ng pulisya, 2 POI tinutugis

PINANGALANAN nang pulisya ang dalawang bangkay na natagpuan sa sinunog na kotse sa Barangay Sinasajan, …