MAY ilang mga nagsabi sa amin na hindi pa gaanong mahusay si Myrtle Sarrosa sa pagiging sportscaster ng NCAA para sa ABS-CBN Sports.
Kahit nasa gitna na ng NCAA basketball tournament, tila ninenerbiyos pa rin si Myrtle sa harap ng kamera lalo na’t kulang pa siya ng kaalaman tungkol sa sports.
Nagdagdag ang ABS-CBN ng tatlo pang mga courtside reporters upang tulungan si Myrtle na may iba pang mga commitment sa estasyon tulad ng pagiging segment host ng Umagang Kay Ganda at miyembro ng grupong Star Magic Angels.
SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III