Thursday , November 30 2023

Michelle Gumabao, TV guestings ang inaatupag

081315 michelle gumabao
NAKAUSAP namin ang volleyball player na si Michelle Gumabao kamakailan tungkol sa mga susunod na plano niya habang wala pang sinasalihang torneo.

Ani Michelle, naging guest siya sa programang No Harm No Foul sa TV5 na kasama niya ang ilan pang volleyball players na sina Aby Marano at Melissa Gohing.

Enjoy si Michelle sa taping ng show dahil nagkabiruan silang tatlo kasama ang mga PBA players na sina Gary David, Beau Belga, Kiefer Ravena, at Willie Miller sa bagong sitcom tuwing Linggo ng gabi.

Bukod pa rito, may iba ring guestings si Michelle sa ABS-CBN dahil doon siya nakakontrata pagkatapos ng pagiging housemate niya sa Pinoy Big Brother noong 2013.

Pero nilinaw ni Michelle na hindi pa niya tinalikuran ang volleyball a naghahanda na siya para sa susunod na torneo ng Philippine Super Liga para sa kanyang team na Philips Gold.

Busy din si Michelle sa pagtuturo ng volleyball sa mga bata at balak niyang sumali sa grupong Athletes in Action para maisakatuparan ang mga susunod pang plano.

 

SHOWBIZ TIDBITS – James Ty III

About James Ty III

Check Also

Lolit Solis Bea Alonzo Rhea Tan

Bea at Manay Lolit nagkapatawaran, nagkabati

MA at PAni Rommel Placente NAGKAAYOS na sina Lolit Solis at Bea Alonzo, matapos silang magkita sa birthday …

Glitter Entertainment

Glitter Entertainment Chatter Show ni Direk Perry Escaño, magsisimula na sa December 3  

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Direk Perry Escaño ang ilan sa dapat asahan sa kanilang …

Chris Wycoco

Chris Wycoco: Tax Guru ng mga Filipino sa US

ISA sa mga pangunahing alalahanin ng mga Filipino at may-ari ng negosyo sa United States …

Shamcey Supsup

Netizens desmayado kay Shamcey: pagkaradikal, progresibo, at makabayan nawala

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of Miss Universe organization, balitang tinanggal at pinalitan na rin ang National …

Michelle Dee

Michelle kinampihan maging ng mga de kalibre at kilalang personalidad

BIBILIB ka naman talaga kay Michelle Dee dahil kahit hindi na siya magsalita pa sa kung anumang sinapit …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *