SALUNGAT sa naiulat sa isang tabloid (hindi rito sa Hataw), hindi totoong may nabili ng property si Ai Ai de las Alas sa Amerika.
A few months ago kasi, seen in photo taken in her US trip was the comedienne on the foreground. Nasa likod niya ang tinatayang newly acquired na bahay na roon daw naninirahan ang kanyang mga anak na sina Nicolo at Sophia (by US-based singer-actor Miguel Vera).
Ang totoo pala, naibenta na ni Ai Ai ang kanyang palatial residence sa Ayala Heights at the Capitol Hills in Quezon City, part of which ay ipinambili niya ng ngayo’y tinitirhan niyang bagong bahay (not necessarily newly constructed) sa Tandang Sora (magkalapit lang sila ni Allan K).
Ang natitirang bahagi ng napagbentahan ng kanyang Ayala Heights property (the lot of which ay nabili ni Ai Ai noon ng P25-M) ang siyang ipambibili ng bahay sa Amerika.
Nang tanungin ng isang common friend kung magkano nadispatsa ni Ai Ai ang nasabing propriedad, ang sagot lang nito ay, “Secret…”
HOT, AW – Ronie Carrasco III