Saturday , July 27 2024

Alden, walang dudang magmamana ng trono ni Dingdong

080315 alden richards dingdong
KUNG decibels ang pagbabatayan in terms of volume ng lakas ng tilian among the audience, ang presence ni Alden Richards sa Kapuso Fans Day at the SM MOA Arena last Sunday ay makatanggal-tutule.

Alden was among the performers na kumatawan sa Sunday All Stars na nagbigay ng Twerk dance number. But of the male Kapuso artists Mark Herras and Rodjun Cruz, Alden was the most applauded.

Given a few more years, we bet our two cents’ worth: si Alden ang walang dudang magmamana ng tronong babakantehin ni Dingdong Dantes bilang Primetime King ng GMA!

And why not? Alden is made of this stuff: good looks, impeccable talent and positive work attitude.

Importante rin ang magandang PR lalo sa pakikitungo sa press, Alden also has it.

Samantala, speaking of Thank You, Kapuso bilang pagdiriwang ng ika-65 taon ng GMA, all throughout the three-hours show ay well-represented ang lahat ng mga programa nito, both in news and public affairs and ETV.

Sa side ng bulwagang pambalitaan ng estasyon, no doubt, mahal na mahal ng masa sina Mel Tiangco, Jessica Soho, at Arnold Clavio what with their respective shows Magpakailanman; Kapuso Mo, Jessica Soho, at State of the Nation, at Alisto.

Aside from Alden, expected show-stopper ang isang sikat na komedyana sa Let The Love Begin na sa ikli ng cast exposure ay nakuha pang mag-costume change as though it were her solo concert.

Most applauded din si Iya Villania who also did her sexy version of Twerk, na nang magkaroon ng technical glitch ay sige pa rin sa kagigiling as though wala lang to the sheer delight of the audience.

HOT, AW – Ronie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *