Sunday , April 28 2024

Maja at Ellen, ‘di tumangging makipaglampungan kay Dennis dahil may kredibilidad ang aktor

 

ni Ed de Leon

051915 dennis trillo ellen maja

SIGURO nga ang mas nangingibabaw ay ang magandang image ni Dennis Trillo bilang isang actor, kaya kahit na isabit siya sa kung ano-anong controversy, wholesome pa rin ang kanyang dating. Kung iisipin mo, hindi biro-birong controversies na ang kanyang dinaanan, hindi lamang sa kanyang career kundi maging sa personal life, pero dahil mahusay magdala si Dennis, hindi siya affected.

Iyon ang sinasabi nga nila eh, dahil sa kanyang credibility bilang isang actor, nakagawa siya ng isang pelikulang may anim na love scenes siya, iyong You’re Still The One pero wholesome pa rin ang naging dating niyon. Masasabi nga siguro na ang mga eksena ay sensual, pero hindi bastos. Maraming gumagawa ng mga love scene na bastos talaga ang dating kaya nagkakaroon ng problema sa MTRCB, pero pagsamahin natin ang kredibilidad ng artista at ang reputation din naman ng director na gumawa niyon kaya hindi nasasabing bastos ang mga eksena.

In the first place, ang sinasabi nga ni Dennis, ang ipinakita sa kanilang mga love scene ay love nga, hindi naman kagaya ng iba na lust ang ipinakita. Sa kanilang mga eksena sa You’re Still The One, ginawa iyon para ilarawan iyong pag-iibigan ng dalawang tao, hindi para gisingin ang damdamin ng mga nanonood. Malaki ang difference niyon.

Si Dennis, kahit na anong role ginagawa niyan. Tumanggap pa nga siya ng gay roles. Kaya nga para sa kanya, hindi problema kung mga ganyang love scenes lang.

Para naman sa mga makaka-love scene niya, dahil na rin sa mahusay niyang reputation, wala ring problema. Sabi nga ng kanilang director na si Chris Martinez, nang tanungin daw niya ang sexy star na si Ellen Adarna kung ano ba ang mga limitation niya sa love scenes, ang sagot daw niyon ay “si Dennis Trillo na iyan, mag-iinarte pa ba ako.”

Sobra nga ang tiwala ng mga leading ladies niya kay Dennis. Iyan din ang unang pagkakataon na gagawa ng love scene si Maja Salvador. Noong panahong ginagawa niya ang pelikulang iyan ay may boyfriend pa siya. Pero pagdating sa mga love scene, ang sabi niya, “natanggap ko na kasi ang project bago ko nalaman ang love scenes. Kasi noong sabihin sa akin na may project ako kasama si Dennis Trillo, sabi ko agad ok iyan”.

Iba talaga basta ang artista may kredibilidad.

JOHN AT ISABEL, PINAHALAGAHAN ANG SAKRAMENTO NG KASAL

041015 John Prats Isabel Oli

ANG daming showbiz functions sa Batangas noong isang araw. Ikinasal sa Balite, Batangas sa simbahan ng Our Lady of Good Voyage, sina John Prats at Isabel Oli. Nagkaroon naman ng victory motorcade sa Tanauan ang Asia’s Got Talent champion na El Gamma Penumbra.

Huwag na nating pagkomparahin kung sino ang mas dinayo ng mga tao. Iyong El Gamma Penumbra, nagsimula ang motorcade ng 7:00 a.m. at halos nalibot nila ang buong bayan ng Tanauan. Natural gusto nilang ipagmalaki sa kanilang mga kababayan ang pananalo nila. Pero siyempre hindi nga naipon sa isang lugar lang ang mga tao, dahil sa haba ng motorcade, hindi kailangang magkagulo ang kanilang mga kababayan sa kanila.

Iyon namang kasal nina John at Isabel, hindi naman kasi masasabing kagaya iyon ng iba na kasal na showbiz. In fact kaya sila roon dumayo para maging matahimik at maayos ang kanilang kasal, na siya namang nangyari. Tama naman iyon dahil ang mas binigyan nila ng importansiya ay ang sakramento ng kasal. Hindi kagaya niyong iba na ang kasal ay ginagawang masyadong showbiz. Iyong kasal ay ginagawang masyadong extravagant, nagiging sobrang pagyayabang lamang na nawawala ang sentro sa pagdiriwang ng sakramento.

 

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *