MUKHANG malabo nang makipagbalikan pa ang singer-actress sa kanyang hiniwalayang mister kahit sinusuyo siya nitong muli na gusto nitong makipagbalikan sa kanya.
Paano kasi ay may iba nang nagmamay-ari ng kanyang puso, may bago na siyang karelasyon. Huli na para magsisi ang kanyang mister dahil sa ginawa nitong pagtataksil sa kanya at iniwan na ang kabit nito.
Natuto na rin kasing magmahal ng iba ang singer-actress.