Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, 2 yrs. ng walang BF, pero lalong sumeseksi at gumaganda

011015 Jennylyn Mercado

00 fact sheet reggeeNAKATUTUWA si Mother Lily Monteverde dahil sinabi niyang nasa main house sina Sam Milby at Jennylyn Mercado at nagmi-meeting kasama ang anak niyang si Roselle Monteverde-Teo.

Supposedly, lihim ang meeting na iyon dahil pag-uusapan muna nina Roselle, Direk Manny Valera, Direk Jun Lana, Ms Rose Conde, Katrina Aguila, Sam kasama ang manager niyang si Erickson Raymundo, at Star Magic handler na si Ms Lulu Romero ang tungkol sa gagawin nilang pelikula na may working title na Pre-Nup na iso-shoot sa New York City, USA ngayong Hunyo.

Timing naman nang pumasok kami sa main house ay tapos ng mag-meeting at nagpi-pictorial na lang sila.

Wala pa kaming gaanong detalyeng nakuha sa meeting maliban na si direk Jun ang susulat ng script at kung kakayanin ay ngayong Hunyo nga ang shooting sa Amerika.

Base sa obserbasyon namin kina Sam at Jen ay okay naman sila at masayang nag-uusap at higit sa lahat, may chemistry sila.

Ang ganda-ganda at seksi ni Jen ngayon at nag-slim naman si Sam kaya hindi naman nalalayo ang edad ng aktor sa aktres.

Ayon kay Jennylyn, matagal na niyang kakilala si Sam dahil ipinakilala raw siya ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano, ”kapag magkakasama sila (gimikan) isinasama ako ni Luis.”

Kaya hindi first meeting nina Jen at Sam ang meeting nila sa Valencia.

Walang masyadong alam si Jennylyn kay Sam kaya sabi namin ay single pa at kaagad kaming sinagot ng, ”weh, ‘di nga, wala siyang girlfriend?”

Sabi namin, ‘oo nga’, huling girlfriend niya si Anne Curtis at kung hindi kami nagkakamali ay apat na taon na ‘yun’ at nag-cross my heart pa kami.

Nabanggit naming may mga nakaka-date sigurong girls si Sam, pero hindi seryoso kasi nga konserbatibo ang aktor.

“Ahh, ok,” ito na lang nasabi ni Jennylyn.

Samantala, binati namin ng ‘happy mothers’ day’ si Jen.

“Thank you, oo nga, ‘no?”

At nabanggit ng aktres na pitong taong gulang na si Alex Jazz nitong taon na anak nila niPatrick Garcia.

Tinanong na rin namin kung ano ang real score nila ni Dennis Trillo na nakita raw sila sa Balesin Island kamakailan at okay sila.

”Two years na nga akong walang boyfriend, ‘te Reggs. Wala, puro lang ako work, concentrated ako ngayon sa work para sa anak ko, sa family ko,” mabilis na sagot ni Jen.

“Okay kami (Dennis) now, were friends,” sabi pa.

Walang balikang nangyari?

“Ay wala, as in! Trying to be friends, trying to be okay, pero wala,” pangangatwiran ulit ng aktres.

Nangyari na bang binalikan ni Jennylyn ang sinuman sa ex-boyfriends, ”ako? So far wala pa naman.”
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …