Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sana Bukas Pa Ang Kahapon tinalo ang finale ng katapat na serye; lovescene nina Bea at Paulo panalo sa ratings

092614 Paulo Avelino bea alonzo


00 SHOWBIZ ms mMARAMI ang humihiling na sana raw ay may part 2 ang lovescene nina Bea Alonzo at Paulo Avelino sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

Pinag-usapan ng viewers ang pinaka-inabangang love scene sa “most tempting episode” ng top-rating drama series ng ABS-CBN na umere noong Biyernes (Setyembre 19).

Sa datos mula sa Kantar Media, humataw ang serye nina Bea at Paulo ng national TV rating na 16.6%, kompara sa nakuha ng pagtatapos ng katapat nitong programa sa GMA na Ang Dalawang Mrs. Real (15.5%).

Bukod sa national TV ratings, humataw din ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa social networking sites tulad ng Twitter na naging nationwide trending topic ang official hashtag na #SBPAKAlab at worldwide trending topic naman si Paulo dahil sa buhos ng tweets kaugnay ng kontrobersiyal na episode.

Tiyak na mas kapananabikan ng TV viewers ang mga mas umiinit na eksena ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon ngayong unti-unti nang nalalantad sa lahat na si Rose (Bea) ay nagpapanggap lamang bilang ang yumaong abogadong si Emmanuelle. Handa na bang harapin ni Rose ang kanyang pamilya at ang mga taong sumira sa buhay niya?

Samantala, ngayong Sabado (Setyembre 27) na lilipad ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon stars na sina Paulo at Maricar Reyes para sa espesyal na Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional para sa Peñafrancia Festival sa Bicol. Ito ay gaganapin sa SM City Naga parking lot, 4:00 p.m..

Sa ilalim ng Dreamscape Entertainment Television, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay kuwento ng dalawang magkaibang babae na naghahangad na makamit ang hustisya. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

ni Maricris Valdes Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …