Wednesday , January 19 2022

Ruffa, ibinuking ni Annabelle na iba-iba ang boyfriend

092614 Annabelle Ruffa

ni Cesar Pambid

MARAMING controversial revelation ang season 2 ng show ng Gutierrez family.

Bigger, better and bolder ang tagline ng season 2 ng show na ieere na sa October 5 sa E! Channel.

Mas marami raw pasabog ngayon at sa presscon sinabi ni Raymond na mas maraming pasabog ngayon.

Everybody’s asking Raymond nga kung ano ’yun pero siyempre, ayaw niyang sabihin at panoorin na lang daw.

Ang hula naman ng iba, baka naman may ipakikilala na siyang karelasyon pero ayon sa TV host, he’s just having fun right now at wala pang serious relationship.

”I’ve been single for quite a while and I don’t know how Alexa and Elvis last for nine years coz I can’t last with anyone for a weekend, so we have to hand it to them, and same thing for Zarah and Chard and of course, my mom and my dad,” say ni Raymond.

Nagbiro rin ang twin brother ni Chard na tulungan na lang daw siyang maghanap ng pet dahil sa ngayon, ito lang daw ang kaya niya since sobrang loaded ng schedule niya ngayon dahil sa rami ng ginagawa.

“I’m kind of heartless at the moment,” biro pa niya.

Iba naman ang statement ng ate niyang si Ruffa dahil nagdeklara ang aktres na she’s ready to fall in love.

“Whether my mom likes it or not, I think I’m ready to fall in love. So, I’m really excited, hopefully this person will come into my life this year,” say ni Ruffa, sabay-sabi sa inang si Annabelle Rama na “it’s been 3 years Ma, it’s about time.”

Pero binawi ni Ruffa agad ang 3 years at 7 years daw pala.

Gayunman, kinontra ito ni Annabelle at say niya, 6 months lang daw na siyempre ay kinontra rin agad ng anak.

“A lot of exciting things are gonna be happening. Next week, I’ll also be flying with Raymond for the Formula 1 in Singapore, we’re gonna be doing red-carpet interviews with the celebrities that will be arriving at the red carpet, so we’re excited about that,”say ni Ruffa.

Nakaaaliw ang pagtatalo ng mag-inang Ruffa at Annabelle.

”Sino ba ’yan, si Yilmaz (Bektas, Ruffa’s ex-husband?) Sino ’yang lalaking ’yan, Ruffa?” tanong ni Tita Annabelle.

Pagbubuking pa ni Bisaya, “you know, Ruffa knows to surprise me, everytime I see her, she has different boyfriend.”

Sagot naman ni Ruffa, “you know, my mom is hilarious. She has not accepted the time. Everytime when someone gives you chocolates, it doesn’t mean he’s your boyfriend. You call him a suitor.”

Say naman ni Annabelle, “you don’t entertain people you don’t like, Ruffa.”

Say naman ng aktres, she’s just being kind to accept the precious gifts.

“Basta ako, during my time, if I don’t like the guy, I don’t entertain him. If I like the guy, I’ll be the one to call him and have sex with him,” sagot ni Annabelle.

Samantala, ipinakilala na si Sarah bilang main cast ng season 2. Sa season 1 kasi ay parang guest lang siya but this time, mapapanood na talaga siya as part of the Gutierrez family along with Alexa, ang girlfriend naman ni Elvis na kasalukuyang preggy ngayon.

When asked kung may makikita na bang wedding bells sa season 2, say ni Sarah, “right now, we’re just very happy and blessed to have Zion and we’re taking one step at a time and trying to focus on Zion, his health, and he’s growing up so fast and we’re just taking one step at a time.”

Ayon naman kay Richard, “people always ask us about wedding and all that stuff. We don’t  want to just dive into it because people are pressuring us to do it, we just wanna take our sweet time and enjoy our time with baby Zion. After our rough year last year, it’s the time of the year that we just kind of have a smooth sailing relationship, and really enjoy our time together and bond, and then, we’ll see what future hold after this.”

Of course, nasa presscon din ang instant star na agad na si Baby Zion, the Young Lion na habang lumalaki ay lalong nagiging cute.

Ipinakilala rin sa presscon ang bagong direktor ng reality show, Australian Karen Appathurai Wiggins.

About hataw tabloid

Check Also

Maria Ozawa Jose Sarazola

Chef Jose at Maria ‘di kinaya ang LDR kaya naghiwalay

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Chef Jose Sarasola na hindi nila kinaya ng Japanese celebrity na …

Jessy Mendiola

Jessy pinalagan basher na bumasag sa hilig niyang mag-exercise

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pumatol sa basher ay si Jessy Mendiola. Nag-comment kasi …

Rabiya Mateo

Basher na kumuwestiyon sa pag-arte ni Rabiya nag-deactivate ng account

MA at PAni Rommel Placente NOONG Lunes ay nag-post si Rabiya Mateo ng photos niya na tumutulong …

Blind Item, Mystery Man, male star

Aktor mabilis naglaho ang boy next door appeal

HATAWANni Ed de Leon MGA ilang buwan lamang ang nakararaan, poging-pogi ang dating ng isang male …

Vilma Santos

Ate vi nagsalita na sa tunay na dahilan ng pagtalikod sa politika

HATAWANni Ed de Leon NGAYON, maging ang mga kritiko ay nagsasabing talagang napakahusay gumawa ng …

Leave a Reply