Norte ni Diaz, entry ng ‘Pinas sa Oscars

092614 Norte  Lav Diaz


00 SHOWBIZ ms mNAPILI ang pelikulang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz bilang Philippines’ official entry sa 87th Academy Awards.

Isusumite ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang apat na oras na pelikula para makipag-compete sa  Best Foreign Language Film category ng Oscars.

Ang official nominees sa kategoryang ito ay iaanunsiyo sa Janary 2015 kasabay ang awards ceremony na gagawin naman sa February 22.

Nakatanggap ng magagandang rebyu ang Norte mula sa mga kritiko local man at internasyonal.

ni Maricris Valdes Nicasio