Heart nalungkot sa pagpanaw ni Ate Gay

Heart Evangelista Ate Gay

I-FLEX
ni Jun Nardo

MAGALING na komedyante si Ate Gay kaya marami ang nalungkot sa pagpanaw niya.

Naglalabasan nga sa Facebook ang ilang clips ng kanyang comedy sketches sa GMA show na Comedy Bar.

Isa nga sa celeb na nalungkot ay si Heart Evangelista na isa sa tumulong sa kanya.

“Rest na angel,” ang mensahe ni Heart sa pagpanaw ni Ate Gay.

Nagsisimula pa lang ni Ate Gay sa mundo ng komedya nang makasama namin siya sa comedy play na si Nura at Si Velma. Guest siya at kinanta ang theme song ng The Flor Contemplacion Story na pinagbidahan ng idolo niyang si Nora Aunor.

From there ay namayagpag na ang pangalang Ate Gay at naging mabenta sa show dito at sa ibang bansa.

Everybody will miss Ate Gay…Rest in peace…