I-FLEX
ni Jun Nardo
PARANG unti-unti nang nawawala ang interest ng tao sa Housemate na si Calix Esguerra nang muling nagbukas ang Bahay ni Kuya.
May potential bilang big star. Then naglabasan ang pagsali niya sa mga male pageant at ang umano’y scandal niya ang sumabog.
Eh may mga housemate pang naging interested ang tao gaya ni Geo at isa pang male housemate.
Parang deadma nga ang ilan sa housemates na artista bago naging housemate.
Anyway, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang latest celeb na pumasok sa Bahay ni Kuya.
Timing para sa coming movie ng Dong Yan na Remember.
