MATABIL
ni John Fontanilla
MULING lilipad patungong Amerika at Germany ang singer & host na si John Nite para mag-show sa mga nasabing bansa.
After ng matagumpay na Europian Tour ni John kamakailan ay muli itong magkaroon ng show sa USA at Europe na magsisimula sa Nov. 8 na magho-host ito at guest performer at the same time si John sa Vina’s 80th Birthday Celebration sa Pechanga Rerosts Ballroom sa California USA, at sa Nov. 18 to 20 naman ay nasa Kiel Germany to Oslo Norway para sa Supreme UniverseXFashion Cruise 2 para mag-host at maghandog ng ilang awitin.
At sa Nov. 22 ay magiging espesyal na panauhin at performer ito sa
KulturUnity sa KulturHaus Wilster Gearmany at sa Nov. 28 naman ay patungong Brunsbuttel, Germany ito para sa Filipino Night, Early Christmas Celebration with the Seafarers.
Ayon nga kay Kuya John nang makausap namin kamakailan. “I’m leaving this month for USA to do the Pechanga Event on The 8th.
“Then fly to Germany for the series of shows, bale mga one month ako mawawala sa bansa, baka December na ako makabalik sa Pilipinas.”
At pagbalik nga sa December sa bansa ni Kuya John ay may naka-line up na siyang shows na gagawin, kaya naman hangang katapusan ng buwan ng 2026 ay magiging abala ang mahusay at generous na singer & host.
