Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkaka-evict kay Daniel, napaka-unfair

080914 Daniel Matsunaga
ni Roldan Castro

HINDI talaga kami pabor sa #PBBMondayPasabog  na si Daniel Matsunaga ang ibinoto nila na ma-evict at makakalaban ni Manolo. Dapat talaga ‘yung tamad ang Ibinoto nila.Unfair ‘yung may napatunayan na, ‘yun ang pauuwiin.

Bakit pa pinasok sa PBB si Daniel kung ang basehan ay ibigay ang chance sa mga nangangailangan ng pagkakataon at oportunidad. Porke’t may career na sa labas si Daniel ay siya ang pinagkaisahan ng mga housemate.

Parang hindi ko rin maatim na mapapasama sa Big 4 ang tamad sa bahay kaya dapat ay maging matalino ang taumbayan kung sino ang ililigwak nila.

Next time, dapat ay itigil na rin ang PBB All In. Parang magulo na nagsasama ang mga celebrity at  teen. Tingnan mo ngayon agrabyado si Daniel sa naging desisyon  nila.

Isa pang  himutok ng mga baklita, iisa na lang ang  lalaki sa PBB house na naiwan at tamad pa. Hindi pa natin alam kung sino ang maiiwan kina Manolo at Daniel para maging dalawa sila.

So, mas angat ngayon sa PBB house ang mga babae. Nawawalan tuloy ng gana ang mga baklitang manonood na baka puro babae na ang maiwan, huh! Mamamatay daw ang market ng mga diwata at sirena.

Boom!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …