Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, iiwan na ang Home Sweetie Home?

080914 lloydie toni
 ni Roldan Castro

IMPOSIBLENG iwanan ni John Lloyd Cruz ang sitcom nila ni Toni Gonzaga na Home Sweetie Home dahil consistent ito na nasa top 10 ng Kantar Media. May niluluto kasing serye para kay JLC na kasama sina Maja Salvador at Jericho Rosales. Siguradong bibigyan pa rin ng panahon ni John Lloyd ang HSM dahil nagmamarka na sa kanila ni Toni ang bagong John en Marsha tandem.

Anyway, ang ABS-CBN 2 pa rin ang pinakapinanonood noong Hulyo sa kabila ng kawalan ng koryente sa ilang lugar sanhi ng bagyong Glenda. Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha angABS-CBN ng average audience share na 43%.

Naabot  ng The Voice Kids ang panibagong all-time high national TV rating nito na 37.7% sa unang gabi ng finale nito noong Hulyo 26. Nanatili rin sa unang puwesto ang katatapos lamang na singing reality show sa listahan ng pinakapinanonood na programa sa bansa noong Hulyo sa average national TV rating of 33.6%.

Nakuha ng ABS-CBN ang lahat ng puwesto sa listahan ng 10 programang pinakapinanonood noong Hulyo. Bukod sa The Voice Kids nanguna rin ang Dyesebel (27.2%), Maalaala Mo Kaya(26.4%),  Hawak Kamay (25.9%), Ikaw Lamang (25.4%), TV Patrol (25.3%),  Mirabella(24.4%),  Wansapanataym (23%), Rated K (21.3%), at  Home Sweetie Home (20.2%) sa nasabing buwan.

Pasok naman ang Pure Love (18.3%), Sana Bukas Pa Ang Kahapon (18.3%), at Goin’ Bulilit(17.2%) sa top 15.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …