NAKAKALOKA naman itong natisod naming balita ukol ssa Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto. Ang balita ay ukol sa kanyang napakagandang CD album ng official soundtrack ng teleseryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
Bukod sa excited mapanood ng live si Angeline sa kanyang show na ginawa sa Klownz, Quezon Ave., excited ding makakuha ng CD ang mga viewers.
Pero sad to say, nadesmaya ang isang nanood ng show na nabigya ng CD dahil tila pirated daw ang mga ipinamigay, paano’y tumatalon-talon ito.

Totoo kaya ito? Hindi kaya nasira lang sa pagde-deliver? Ano kaya ang masasabi rito ng Star Records bilang sila ang nag-release ng album na ito? Bukas po ang aming pahina para sa inyong panig.
For sure naman walang alam dito si Angeline dahil singer siya at hindi na niya knows ang ukol sa mga bagay-bagay na ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com