TOTOO pala na sumama ang loob ni Alex Gonzaga after ng mga pahayag ni Ryan Bang sa presscon ng Hawak Kamay. Nandoon ‘yung sabihin ni Ryan na echosera si Alex at dinamdam niya ang pagbibiro ni Alex at sabihing pangit siya.
Bagamat comedy lang ang paagkakuwento ni Ryan sa press ay hindi pala naibigan ni Alex. Doon din niya nalaman na sumama pala ang loob ni Ryan at na-offend sa joke niya.
Magkasama ang dalawa sa Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite kaya hindi naman puwedeng magdeadmahan ang dalawa. Nagkausap na raw sila at okey na pero hindi na raw bumalik ‘yung dating mainit nilang friendship.
Ganoon?