Kim, nag-react sa pagkakasama ng tamad na teen sa PBB Big 4

080714 kim chiu
ni Roldan Castro

[divider]

KAHIT si Kim Chiu ay nag-react sa kanyang Twitter Account para sa isang PBB Teens na tamad. Produkto siya at big winner ng Pinoy Big Brother kaya may karapatan siyang magbigay ng opinion.

“Watched  PBB! haha #affected may isang guy super not deserving to be part ng big 4.. as in!!! tamad feeler and makatwiran sa sarili is ..”

Pareho kami ng nararamdaman ni Kim sa housemate na ‘yun. At kahit nagpapakita na siya ng kasipagan ngayon, hindi na namin makita ‘yung pagpapakatotoo niya dahil isa rin siya sa nag-aambisyong mapasama sa Big 4. Parang huli na ‘yung pagbabago niya, huh!

Sa episode ng PBB noong Martes ay marami naman  ang pumuri kay Daniel Matsunaga sa attitude niya. Kahit kami ay sumasaludo at lalong tumaas ang respeto naming sa kanya bilang isang tao. Consistent siya sa pagiging mabait.

Sey nga ni Bekimon: ”Papa Daniel is full of wisdom… Baluktot ang Tagalog n’ya pero may sense ang sinasabi n’ya. #TumFact”.

So, dapat matalino ang taumbayan sa pagpili ng Big 4 sa PBB, huh!