Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea at Maricar, madalas magpatalbugan sa SBPAK

00 fact sheet reggee“JUSKO, Bea Alonzo NAPAKAGANDA MO,” ito ang mga narinig namin sa mga nanonood at nabasa naming komento sa social media tungkol sa aktres habang nanonood kami ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong Lunes ng gabi.

Oo nga Ateng Maricris, ang ganda nga naman ng aktres sa kanyang kulay gintong kasuotan na malalim ang cleavage, pero hindi naman nagpatalbog si Mrs. Maricar Reyes-Poon dahil backless naman ang suot niyang itim na gown.

So, magpapatalbugan ng ganda sina Bea at Maricar?

Samantala, marami rin ang nakakapansin kay Michelle Vito bilang si Violet Buenavista dahil ang gandang bata raw at tila nahahawig pa kayShaina Magdayao lalo sa episode noong Lunes na nakataas ang buhok. Oo nga, sa biglang tingin ay akala mo ang bunsong kapatid ni Vina Morales.

073014 sana bukas pa
Malaking break din ito para kay Michelle dahil huling regular serye niya ay ang Aryana noong 2013 at puro guestings na Maalala Mo Kaya at Wansapanataym, kaya marahil tuwang-tuwa ang bagets at maganda ang papel niya sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon bilang kapatid ni Bea bilang si Rose/Emmanuel Buenavista.

Ang laki na rin ng ipinagbago ni Francis Magundayao, huh, gumuguwapo na Ateng Maricris dahil noong una namin siyang makita ng personal at matitigan ay Aryana days pa at sabi nga namin ay parang hindi artistahin ang dating.

In fairness kuminis na at pumuti kaya hindi na siya alangang i-loveteam kay Michelle.

Natawa kami sa komento rin ng nanonood ng SBPAK, “ang gaganda’t guwapo ng cast, bakit doon sa isang programa, puro matataba ang cast?  Sinadya bang pagsama-samahin sila, ang lalaki nilang lahat sa screen, hindi sila kasya.”

Hindi na namin babanggitin kung anong serye ang sinasabi sa amin na puro malulusog ang cast, pero oo nga, sana magkaroon ulit ngBiggest Loser Celebrity edition season 2 at bagay sila roon.

Going back to Bea ay gusto naming ipaalam sa kanya na gabi-gabi ay inaabangan ng viewers ang mga isinusuot niyang damit lalo na ang mga nag-oopisina para raw magkaroon sila ng idea.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …