Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bracelet nina Claudine at Atty. Topacio, simbolo ng pagkakaibigan

072414 claudine barretto topacio

ni Roldan Castro

SA Face the People’ ng TV5 ay pinabulaanan ng kaibigan naming si Atty. Ferdinand Topacio na may malalim silang relasyon ng kanyang client na siClaudine Barretto. Lagi raw niyang pinaiiral ang  respeto sa mga client niya.

Sinabi rin niya na hindi libre ang serbisyo niya kay Claudine at may tseke na pumapasok sa opisina niya.

Nilinaw din niya na hindi nagseselos ang misis niyang  si Judge Dinnah sa isyu dahil naiintindihan nito  ang pakikisalamuha sa kliyente bilang isang lawyer. ‘Yung bigay ni Claudine  na bracelet  sa kanya ay simbolo lamang ng pagiging ‘bff’ nila dahil kahit ang kasamahan niyang  abogado ay binigyan din ni Claudine.

Itinanggi rin ni Atty. Topacio na nag-check in sila ni Claudine sa Resorts World. Ang kasama raw niya  sa sinasabing date na ‘yun ay  ang misis niya.

“Siguro, hindi naman kamukha ni Claudine ‘yung misis ko. Iba naman ang beauty ng misis ko. Nagtataka talaga ako, napakarami. Kung mamba-black propaganda man lang, ‘wag namang clumsy, galingan naman,” deklara pa ni Atty. Topacio.

Kahit sa Asian Cruise ay  hindi si Claudine ang kasama niya kundi ang kaibigan niyang negosyante at client  na si Alex Cruz. Sey nga ni Sir  Alex, nami-misenterpret ang pagiging friendly ni  Atty. Topacio sa client.

Flattered din si Atty. Topacio sa sinabi ni Claudine na may malaki siyang puso at halos ilagay sa pedestal.

Havey!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …