Friday , July 12 2024

Pauleen, ikinairita ang bintang na materialistic

072414  Pauleen luna

ni Roldan Castro

NAPIKON si  Pauleen Luna sa isang basher niya sa Instagram na nag-comment na materialistic nang mag-post siya ng  isang  larawan ng softdrink in can na may nakasulat na ‘Babe’.

Ipinadala raw ng kanyang “love” (Vic Sotto) ang picture at ang mga maliliit na bagay daw na ‘yun ang nakapagpapangiti sa kanya.

Nagkomento naman si Pauleen ng  ”it’s easy kasi to judge somebody you don’t know. Try to get to know the person,” sey niya  sa grand opening ng Nails Glow Nails & Beauty Spa sa Northridge Plaza, Congressional Ave na ang aktres ang naimbitahang mag-cut ng ribbon.

Sabi nga ni Pauleen, siya nga ang nakapagpadala kay Vic sa fastfood.

“Those little things, siyempre, hindi nila alam ‘yun, ang nakikita lang nila, basta maganda, feeling nila, si Vic ang nagbigay which is so unfair,” hinaing pa niya.

“Kung mag-comment sila, parang hindi talaga ako nagtatatrabaho, ‘no? Parang lahat daw, galing kay Vic.Teka lang naman. Unang-una, hindi naman ako ipinanganak na pulubi. Pangalawa, I’m very visible sa TV, so it means, I really work my ass off. Tapos, kung pagbintangan nila ako ng ganoon. Grabe,” bulalas pa ng actress-TV host.

Anyway, tuwang-tuwa naman ang mag-asawang owner ng Nails.Glow na sina Ferdie and AJ Open dahil  approachable ang aktres at walang kaarte-arte sa katawan.  Hindi siya talaga nagmadali at pinagbigyan ang mga staff at bisita na makapagpa-photo-op sa kanya.

Isa rin si Pauleen sa napipisil nila na maging endorser ng Nails.Glow na ang isang branch Mareng Maricris ay malapit lang sa bahay niyo.

Minsan ay dalaw tayo sa Congressional para malaman mo na  maganda ang success story ng mag-asawang Ferdie at AJ . Nagsimula lang sila sa isang branch ng Nails.Glow noong 2009 pero ngayon ay may 32 branches na sila nationwide. At take note, class ang lugar pero pang-masa ang presyo. Volume kasi ang gusto nila. Parang Chinese na kaunti angg tubo, okey na.

Talbog!

About Roldan Castro

Check Also

blind item, woman staring naked man

Male celeb at fave clinic attendant may milagrong ginagawa  

I-FLEXni Jun Nardo ORDINARYO na sa mga staff ng isang derm clinic ang pagdating ng …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sex video scandal ni baguhang male star kalat na naman

ni Ed de Leon ISANG netizen ang nagpadala sa amin ng message at nag-tip off na kumakalat …

BGC taguig

Snatching, tambay at kung ano-ano pa nakasisira sa imahe ng isang high end mall

HATAWANni Ed de Leon NAKITA ba ninyo iyong video na ipinost ng Korean football player …

Vilma Santos Julia Montes Charlie Dizon

Julia, Charlie imposibleng i-bash ng Vilmanians

HATAWANni Ed de Leon NAGSIMULA na naman ang kulto ni Que bulok, bina-bash daw ng …

Julia Montes Kathryn Bernardo

Julia ‘naisahan’ si Kathryn — parehong malayo na ang aming narating

ni Allan Sancon NAGWAGI bilang best actress si Julia Montes para sa pelikulang Five Breakup and a Romance sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *