Jen, ‘di pa kayang makipagkasundo kay Luis

072514 Luis Manzano Jennylyn Mercado

ni Roldan Castro

[divider]

KAIBIGAN na lahat ni Jennylyn Mercado ang mga ex niya maliban kay Luis Manzano.

“Time lang ang makakapagsabi,” deklara ni Jen nang tanungin  kung kasundo na ba niya si Luis.

Katunayan, magce-celebrate  na si Jen ng 1st anniversary sa pagiging single.

Friends na  talaga ni Jen sina Patrick Garcia, Mark Herras, at Dennis Trillo. Iniintriga nga si Jen kay Dennis ngayon pero   ang palaging stand ni Jen ay  wala siyang binabalikang ex.

Mas malinaw-linaw pang  si Derek Ramsay ang puwedeng ma-link  kay Jen at ma-develop ‘pag ginawa nila ang filmfest movie nila sa Quantum Films na English Only Please. Pareho silang single, ‘di ba?