Tuesday , January 31 2023

Alex, better version ni Toni

072414 toni alex  gonzaga

ni Dominic Rea

IN fairness, marami ang nakapagsabing mas magaling ngang umarte itong si Alex Gonzaga compared sa eldest sister nitong si Toni.

Ayon sa aking mga nakausap, gustong-gusto nila ang paraan ng pag-arte ni Alex sa kinahuhumalingang remake seryeng Pure Love with Joseph Marco, Arjo Atayde, at Matt Evans na napapanood natin sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.

Sinabi pa ng aking nakausap, better version ni Toni si Alex na mas tamed ang acting. Segue naman ng isang kausap ko na mas bagay naman daw kay Alex ang mga kikay roles na tiyak naman daw siyang mas mabibigyang hustisya.

Siguro, hindi naman ito insulto kay Toni dahil in fairness, may kanya-kanya naman silang estilo sa pag-arte. Pero may common denominator silang magkapatid, ‘yun ay ‘yung pagiging kikay nila na sadya namang minahal ng taumbayan.

Well, tiyak naman akong walang kompetisyon sa magkapatid, ang sigurado akong mayroon sila ngayon ay ang pagiging blessed nila sa kani-kanilang karera noh! ‘Yun na!

Hawak Kamay, humataw agad sa ratings

KAYA pala medyo na-delayed ang airing ng seryeng Hawak Kamay na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Nikki Gil, Iza Calzado, ZaijIan Jaranilla, Andrea Brillantes, at Xyriel Manabat ay dahil mas binigyang punto ng RSB unit ang primetime airing nito kaysa mailagay sa afternoon slot ng Kapamilya Gold.

Tulad ng aming nasabi, masasayang ang serye kapag inilagay sa afternoon slot. Unang-una’y halos lahat ng bida sa serye ay kilalang primetime actors ng Kapamilya Network like Zaijian, Xyriel, and Piolo. Kaya minabuti ng network na mailagay sila sa sakto at karapat-dapat na airtime dahil nandoon nga naman ang kanilang followers.

Aminado naman si Piolo na medyo may pressure ito sa kanya the fact na right after TV Patrol mapapanood ang serye na humataw naman sa social media nitong nakaraang Lunes sa pilot episode. Sa lahat naman ng ABS-CBN shows lalo na sa mga teleserye, wala naman tayong ibang ipinagdarasal kundi ang magandang ratings at moral values na makukuha ng televiewers. ‘Yun na!

Jodi, excited nang makapag-Araneta

PANAY na ang rehearsals ng buong Be Careful With My Heart cast para sa nalalapit nilang I Heart You 2 Anniversary Thanksgiving Concert sa July 25 na gaganapin naman sa Araneta Coliseum.

Kahit ang kaibigang Jodi Sta. Maria ay hindi maiwasang maghayag ng excitement sa proyekto ng BCWMH Team.

“Heto Marse, okey naman kami. Sobrang busy sa taping at rehearsal. Habang papalapit ang concert, hindi naman ako kinakabahan, nai-excite ako lalo kasi makakapag-Araneta na ako ‘diba! Joke! Hahahaha! Basta we prepared beautiful songs para sa lahat ng pupunta, basta, excited na kaming lahat. This is something new na alam naming matutuwa sila sa okasyon na ito,” paglalahad pa sa akin ng aking alaga.

Aside from pagiging abala sa kanyang karera, abala as always naman si Jodi sa pag-aalaga sa kanyang nag-iisang anak na si Thirdy. Bilang isang ina, lalo na’t single parent siya, mahalagang natututukan niya ang kinabukasan ng anak. Isinasabay na rin ni Jodi ang pagtutok sa kanyang mga negosyong tulad ng Happy Barn na isang cooler shake business gayundin ang Rue Bourboune Bar na marami na rin daw branches na makikita sa Metro!

Tinatapos na lang din ni Jodi ang pelikulang Maria Leonora Teresa under Star Cinema na kasama sina Iza Calzado at Joem Bascon.

Bongga!

About hataw tabloid

Check Also

Lito lapid Jessie Chua Mark Lapid

Sen Lito Lapid ‘di pwedeng kalimutan ang showbiz

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAKAKA-TOUCH naman si Sen. Lito Lapid. Matagal pa ang Valentine pero parang …

aldub alden richards Maine Mendoza

Alden itinangging ikinasal at may anak kay Maine

RATED Rni Rommel Gonzales SA wakas ay nagsalita na at tinapos na ni Alden Richards ang walang …

Vin Abrenica Sophie Albert

Vin Abrenica at Sophie Albert ikinasal na

MATABILni John Fontanilla NAG-ISANDIBDIB na noong Miyerkoles sina Vin Abrenica at Sophie Albert makaraan ang ilang taong pagsasama. Hindi …

Cassy Legaspi Darren Espanto

Cassy aminadong boyfriend material si Darren

MA at PAni Rommel Placente MAGKAIBIGAN nga lang ba sina Cassy Legaspi at Darren Espanto kahit na madalas silang …

Jeremy Luis Marikit

Ex-Starstruck Jeremy Luis muntik mag-quit sa showbiz

MATABILni John Fontanilla HANDANG-HANDA na muling mag-focus sa kanyang showbiz career ang guwapong dating Starstruck Batch 7 …

Leave a Reply