Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ni Sarah, nainsulto nang sabihang mag-uwi ng pagkain (Baby Zion, may offer na ring TV commercial)

ni John Fontanilla

Baby Zion, may offer na ring TV commercial

ISA sa maituturing na pinakamalaking pasabog ngayong taon ang paglantad sa publiko ni Baby Zion na hindi lang usap-usapan sa apat na sulok ng Pilipinas kung hindi maging isa iba‘t ibang bansa.

Bongga nga ang kasikatang tinatamasa  nito ngayon na kabi-kabli ang cover sa iba‘t ibang magazine. Laman din ito ng mga broadsheet at  tabloid gayundin ng networking sites.

Proud Mom and Dad nga sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at maging ang LolaAnnabelle Rama nito dahil sa maraming nagsasabing very cute si Baby Zion.

Sinasabing any days from now ay mapapanood na rin sa mga TV commercial and who knows baka sa mga TV show o pelikula kung papayagan nina Richard at Sarah.

Ina ni Sarah, nainsulto nang sabihang mag-uwi ng pagkain

“PARA akong patay gutom na aalukin ng tirang pagkain!” ito ang unang  mensahe ni Mrs. Esther Lahbati na kanyang post sa Instagram Account na gumawa ng malaking kontrobersiya after ng bongga at engrandeng binyagan at 1st birthday ni Baby Zion.

Sunod na post nito, ”The truth! Masakit ang ma-ignore sa part­y. Hindi naman puwede pera-pera na lang ang laging nangingibabaw para lang makilala ka sa lipunan.”

Na sinundan pa ng, ”At the end of the day sinabihan pa ‘ko ng, ‘Esther, magbalot ka ng mga tirang pagkain d’yan. Ipinarinig pa sa mga bisita, grabe! Naawa ako sa sarili ko. The whole party hindi ako pinansin tapos para akong patay gutom na aalukin ng tirang pagkain.”

Walang nabanggit na pangalan si Mommy Esther pero alam ng mga nakabasa ng kanyang posts na may pinatatamaan ito at dito siya labis na nasaktan habang nagaganap ang party ng kanyang apo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …