Saturday , March 25 2023

Ina ni Sarah, nainsulto nang sabihang mag-uwi ng pagkain (Baby Zion, may offer na ring TV commercial)

ni John Fontanilla

Baby Zion, may offer na ring TV commercial

ISA sa maituturing na pinakamalaking pasabog ngayong taon ang paglantad sa publiko ni Baby Zion na hindi lang usap-usapan sa apat na sulok ng Pilipinas kung hindi maging isa iba‘t ibang bansa.

Bongga nga ang kasikatang tinatamasa  nito ngayon na kabi-kabli ang cover sa iba‘t ibang magazine. Laman din ito ng mga broadsheet at  tabloid gayundin ng networking sites.

Proud Mom and Dad nga sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at maging ang LolaAnnabelle Rama nito dahil sa maraming nagsasabing very cute si Baby Zion.

Sinasabing any days from now ay mapapanood na rin sa mga TV commercial and who knows baka sa mga TV show o pelikula kung papayagan nina Richard at Sarah.

Ina ni Sarah, nainsulto nang sabihang mag-uwi ng pagkain

“PARA akong patay gutom na aalukin ng tirang pagkain!” ito ang unang  mensahe ni Mrs. Esther Lahbati na kanyang post sa Instagram Account na gumawa ng malaking kontrobersiya after ng bongga at engrandeng binyagan at 1st birthday ni Baby Zion.

Sunod na post nito, ”The truth! Masakit ang ma-ignore sa part­y. Hindi naman puwede pera-pera na lang ang laging nangingibabaw para lang makilala ka sa lipunan.”

Na sinundan pa ng, ”At the end of the day sinabihan pa ‘ko ng, ‘Esther, magbalot ka ng mga tirang pagkain d’yan. Ipinarinig pa sa mga bisita, grabe! Naawa ako sa sarili ko. The whole party hindi ako pinansin tapos para akong patay gutom na aalukin ng tirang pagkain.”

Walang nabanggit na pangalan si Mommy Esther pero alam ng mga nakabasa ng kanyang posts na may pinatatamaan ito at dito siya labis na nasaktan habang nagaganap ang party ng kanyang apo.

About hataw tabloid

Check Also

Ysabel Ortega Beautéderm Rhea Tan

Ysabel Ortega proud maging endorser ng Beautéderm, thankful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega na sobra …

Gerald Anderson Julia Barretto Korina Sanchez 

Gerald tiniyak kay Korina: Julia pakakasalan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong …

Althea Ablan Shayne Sava Prince Clemente

Althea may umaaligid nang Prince Clemente; Shayne focus muna sa career

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO ang Sparkle artist na si Althea Ablan na mabigat ang kamay niya. Kaya naman sa …

Ara Mina

Ara isinantabi muna ang pagbubuntis, tututok sa career

I-FLEXni Jun Nardo IDOLO ni Ara Mina ang foreign host na si Oprah Winfrey mula noon hanggang ngayon. Eh …

Blind Item, man woman silhouette

Boyfie ayaw isama si GF sa mga ‘lakaran,’ takot mabuking ang sideline

ni Ed de Leon SI boyfriend noon, halos gabi-gabi ang lakwatsa sa mga watering hole at kung …

Leave a Reply