Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apelyido ni Dennis Padilla tatanggalin na raw sa mga anak kay Marjorie Barretto (Naging pabaya na raw kasi noon pa!)

ni Peter Ledesma          

TOTOO kaya ang claimed na kahit noong mga panahong kumikita pa sa showbiz si Dennis Padilla ay hindi na siya naging good provider sa mga anak niya kay Marjorie Baretto na sina Julia at Claudia?

Kaya nga raw super-tulong at suporta noon si Claudine Barretto kay Marjorie at sa mga nabanggit na pamangkin dahil paminsan-minsan lang kung mag-abot ng datung si Dennis sa kanyang pamilya.

Pero sabi, kaya raw kinukulang madalas noon ang komedyante kasi siya rin ang bumubuhay sa kanyang mga kapatid at maysakit noon na namayapang ama na si Tito Dencio.

Kaya lang, ang hindi raw nagugustohan ni Marjorie, ay hindi na nga raw nagbibigay ng sustento si Dennis ay wala pa raw time sa mga anak nila. Kaya malaki rin ang tampo ng mga bata sa ex niya. So, dahil naging pabaya naman ang komedyano ay napag-isipan na raw ng ina nina Julia at Claudia na palitan ang totong surname nila na Baldivia, na totoong apelyido naman ni Dennis Padilla. Idadaan na raw ito sa korte ng dating aktre.

Wanasakosey gyud!

“The end of an affair” nina Monica, Adrian, Nicole at Max, ngayong Biyernes sa Primetime Bida
ATE VI, DI MALILIMUTAN ANG THE LEGAL WIFE

Itinuturing ng Star For All Seasons Vilma Santos na isa sa “most memorable teleseryes” sa bansa ang top-rating family drama series ng ABS-CBN na “The Legal Wife” na nagtampok sa magkakaugnay na buhay nina Monica (Angel Locsin), Adrian (Jericho Rosales), Nicole (Maja Salvador) at Max (JC de Vera).

“Kakaibang show ito na tumatalakay sa pagpapahalaga ng mga Filipino sa pamilya. Dito ipinakita kung gaano kaimportante ang pagsasama ng mag-asawa at ang mga tunay na pinagdaraanan nila kapag sinusubok ng problema,” pahayag ni Vilma kaugnay sa top-rating at Twitter-trending seryeng handog sa viewers, ang “most exciting finale” ngayong Biyernes (Hunyo 13) na The Legal Wife.

“Sa The Legal Wife, ipinakita ni Monica na ipinaglaban niya ang kanyang pamilya, na iba kapag ikaw ang legal wife dahil ikaw talaga ang may hawak ng korona,” ani Ate Vi na aminadong gabi-gabing nakatutok sa serye.

Katulad ng maraming masugid na tagasubaybay ng program, may sarili rin opinyon si Ate Vi sa nais niyang kahinatnan ng love story ni Monica.

“Kung ako si Monica at ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko pero pareho lang kaming magiging miserable ni Adrian, ‘wag na lang si-guro ituloy ang pagsamama,” pahayag ni Vilma.

Sa huli, saan nga ba dadalhin ng kani-kanilang mga desisyon at paninindigan sina Monica, Adrian, Nicole, at Max?

Samantala, para sa TV viewers na nais magsuot ng “The Legal Wife” statement shirts, mabibili na ito sa ABS-CBN store na matatagpuan sa ground floor ng ELJ Building sa Quezon City. Available na rin ito online sa ABS-CBNstore.com. Huwag palampasin ang finale week ng pinakapinag-uusapang “TV affair” ng bayan, “The Legal Wife,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Ikaw Lamang” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang opisyal na website ng programa sa www.thelegalwife.abs-cbn.com at ang social networking sites na Facebook.com/thelegalwife2013, Instagram.com/iamthelegalwife, at Twitter.com/IAmTheLegalWife.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …