Tuesday , November 29 2022

Julia, nagseselos sa pagiging close nina Coco at Kim?

ni Peter Ledesma

Kapit na kapit na ang buong sambayanan sa “master teleserye” ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” sa pagsiklab ng mas mala king sigalot sa pamilya nina Samuel (Coco Martin), Franco (Jake Cuenca), Mona (Julia Montes), at Isabelle (Kim Chiu). Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Biyernes (Hunyo 6) kung kailan na-nguna ang “Ikaw Lamang” sa listahan ng most-watched TV programs sa bansa taglay ang national TV rating na 31.5%. Ito ay mahigit doble ng nakuha ng katapat na programa sa GMA na “Kambal Sirena” (14.9%). Samantala, tiyak na lalong tututukan ng TV viewers ang mas kapana-panabik na komprontasyon ng mga karakter sa “Ikaw Lamang” matapos maramay sa isang mala-king aksidente si Franco. Magagawa ba ni Samuel na layuan si Isabelle sa gitna ng matindi ni-yang pinagdaraanan dahil sa pagseselos ng asawa niyang si Mona? Mapapatawad pa ba ni Miranda (Cherie Gil) ang kanyang ama na si Maximo (Ronaldo Valdez) ngayong alam niya na siya ang tunay na nagdala ng panganib sa buhay ng kanyang asawa’t anak? Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena nina Coco, Kim, Julia, at Jake sa master teleseryeng “Ikaw Lamang,” pagkatapos ng “Dyesebel” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/ IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Blind Item Corner

Male star naudlot makuha ang grandslam

ni Ed de Leon HINDI lang naman sa panahong ito may mga artistang nananalo ng …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Legal team ni Vhong naging kompiyansa

HATAWANni Ed de Leon NGAYON ay lumalabas na affected pala at nag-aalala ang hindi lang …

Leave a Reply