Monday , March 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi at Rocco, ‘hon’ na ang tawagan

ni Roldan Castro

ITINANGGI ni Lovi Poe na ”Hon” na ang tawagan nila ni Rocco Nacino. Rocco at Lovi lang daw ang tawagan nila.

Pero naging open na si Lovi tungkol kay Rocco.

“Well, nag-Europe na kami, eh. Ha!ha!ha!,” reaksiyon niya.

Masaya raw siya ngayon. Nakatulong din ang pagbabakasyon niya sa Europe kasama si Rocco at nakapag-reflect. Nagkita raw sila ng sister niya na nagbakasyon din sa London.

Very light at very fun ang relasyon nila ni Rocco.

“Kasi ako, I love to laugh. Eh, siya..siguro hobby niya ang pagpapatawa,” sambit pa niya.

So clown ang gusto niya?

“Ha!ha!ha! ‘Yun din ang sabi niya sa akin, clown ba ako?” sey pa ni Lovi.

“He’s very funny at matalino siya. Masarap kausap,” pagsasalarawan pa ni Lovi kay Rocco at first time siyang nagsasabi sa press ng qualities ni Rocco.

Pero hindi niya masasabi ngayon kung saan hahantong ang relasyon nila ni Rocco. Hindi pa raw niya naiisip kung gaano kaseryoso dahil ini-enjoy pa nila ang company ng isa’t isa gaya ng pagta-travel. Hindi pa ito ‘yung tipong diretso na sa kasalan.

“Malayo pa ako roon,” aniya pa.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Rodjun Cruz Dianne Medina

Rodjun deadma sa mga basher

MATABILni John Fontanilla NO pansin kay Rodjun Cruz ang mga basher at nagmemenod sa kanya sa pagiging …

Ferdie Topacio Bea Binene Yasmien Kurdi Myrtle Sarrosa Claudine Barretto

Claudine, Bea, Yasmine, Myrtle dream mapagsama ni Atty. Topacio sa isang pelikula 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pelikulang Spring Of Prague ay isang horror movie naman ang next movie …

Mhack Morales

Mhack Morales nakaranas ng dagok sa buhay

I-FLEXni Jun Nardo HOPING for the best ang producer-manager na si Lito de Guzman sa magiging resulta …

marriage wedding ring

Celeb nairita sa nanggakang content creators sa kanilang kasal ng non-showbiz wife

I-FLEXni Jun Nardo DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang …

Wency Cornejo certified chef

Wency Cornejo certified chef na 

HARD TALKni Pilar Mateo KAPAG sumasapit na ang panahon ng Semana Santa, naaalala ko ang …