ni ROLDAN CASTRO
MAY bagong bisyo si Mark Herras ngayon at sobrang addict siya. Ito ay ang pagwo-work out sa gym. Rarampa raw siya sa Cosmo Bash . Proud nga si Mark na ipakita sa mga press na dumalaw sa taping ng serye niya ang hubad na katawan na nasa kanyang cellphone. Kitang-kita sa picture ang yummy at nag-improve niyang katawan.
“Plano ko nga hubarin ko lahat pagdating ko roon eh, para magulat silang lahat,” nagbibiro niyang sagot nang tanungin kung maghuhubad ng pantalon.
Mag-iisip daw siya ng ibang gimik dahil ayaw naman niyang gayahin ang ginawa ni Aljur Abrenica dahil ayaw naman niyang sabihin ng tao na nanggaya lang siya.
Boompaness!!!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com