ni Reggee Bonoan
KASALUKUYANG wala sa bansa ang nanay-nanayan ni Dyesebel na si Ai Ai de las Alas dahil dumalo siya sa debut party ng nag-iisang anak na babae na si Sofia sa Amerika kaya hindi namin makuha ang sagot kung totoong hindi pumasa sa Pinoy Big Brother All In ang panganay niyang si Sancho.
Sa isang showbiz event ay hot topic ang hindi pagpasok ni Sancho sa PBBAI bagay na ikinataka namin dahil wala naman kaming alam na tumuloy ang binata sa audition.
Pero tanda namin dati ay nabanggit nga ni Ms A na type ng anak niyang si Sancho na sumali sa PBB pero hindi raw niya pinapayagan kasi baka nga naman hindi manalo.
Samantala, hindi na namin gaanong naririnig na nagkakasakit ngayon si Ai Ai dahil sa bago niyang maintenance na ipinayo sa kanya na food supplement ang Laminine food supplement na gawa sa ProtoEmbryonic Stage Extract (PESE), OPT9 (fert eggs extract), Plant Protein (yellow pea plant) at Marine Protein from Shark Cartilage na distributed naman ng LifePharm Global Network.