Thursday , June 4 2026

Andrea at Raikko, tinalo si Vic!

ni  Reggee Bonoan

MAGANDA ang tandem nina Andrea Brillantes at Raikko Matteo dahil ang Wansapanataym episode nilang My Guardian Angel ay muli na namang nanguna sa ratings game na 26.2% ng Kantar Media noong Sabado, Abril 26.

Ang layo ng agwat ng My Guardian Angel sa Vampire ang Daddy Ko na nagtala lang ng 16.8% kaya naman tuwang-tuwa ang dalawang bagets na naging bida ng mga seryeng Anna Liza at Honesto dahil malaking pangalan ang tinalo nila na si Vic Sotto.

Samantala, mapapanood ngayong gabi sa Wansapanataym ang panibagong pagsubok na haharapin ng mga karakter nina Andrea at Raikko dahi l magsisimula nang magrebelde si Ylia (Andrea) sa kanyang ina.

Paano mapipigilan ni Kiko (Raikko) ang pagsuway ni Ylia sa mga utos ng kanyang nanay? Tuluyan na bang masisira ang relasyon ni Ylia sa kanyang mga magulang?

Tampok din sa My Guardian Angel sina Mylene Dizon, Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, at Vangie Martell mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Jon ‘Sponky’ Villarin.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long special nina Andrea at Raikko sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, Wansapanataym.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …