Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sagip Kapamilya, isusubasta online ang kotse ni Angel para sa mga biktima ni Yolanda

HINDI ka lang nakatulong sa kapwa, magiging pag-aari mo pa ang sasakyan ng sikat na aktres na si Angel Locsin.

Simula Kahapon, Lunes (Apr 21), maaari ng mag-bid ang publiko sa online auction ng 1970 Chevrolet Chevelle ni Angel na pangungunahan ng ABS-CBN Sagip Kapamilyapara maipatayong muli ang mga nasirang paaralan dulot ng bagyong Yolanda.

Matatandaang idinonate ni Angel ang sariling muscle car sa Sagip Kapamilya at inatasan ang Sagip Kapamilya na isagawa ang auction. Hinimok din ni Angel ang mga mahihilig sa sasakyan na suportahan siya sa kanyang layuning makatulong.

Ibinahagi rin ng The Legal Wife star sa isang panayam sa Kris TV na matagal na niyang pangarap na magkaroon ng Chevelle kaya naman pumunta pa ito ng US para lang mabili ito.

Nang tanungin kung bakit niya ipamimigay ang kanyang dream car, sagot ni Angel ay nahihiya umano kasi siya na may ganoong luho habang marami ang nagdurusa dala ng trahedya.

Sa halagang hindi bababa sa P1-M, maaring mag-bid online sa http://auction.abs-cbn.com. Mag-register muna at gumawa ng inyong sariling account sa site bago makapag-bid.

Tatakbo ang auction mula Apr 21 hanggang Apr 30 lamang. Iaanunsiyo sa publiko ang mananalong bidder. Para sa karagdagang impormasyon o mga katanungan, bumisita lang sa auction site o tumawag sa 4114995 para magpa-schedule ng viewing appointment.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …