Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald, pinagselosan ni Albie?

 
ni  Roldan Castro

TINANONG din namin si Albie kung totoo bang nagselos siya kay Gerald Anderson kaya nakipag-break sa ex niyang si Dawn Jimenez. Nakipag-love scene kasi si Dawn sa pelikulang OTJ (On The Job) kay Gerald na nag-hello ang kanyang boobs.

“Hindi totoo ‘yun. At saka medyo kinun-front ko nga siya (Dawn) tungkol doon. Bat ‘yan ang sinasabi mo, hindi naman ‘yan totoo? Pero parang sabi ko sa kanya na hindi na ako magsasalita tungkol doon pero kung ayaw mo akong magsalita, ayaw ko namang pumayag na magsinungaling ka, ‘di ba? Its either ‘wag mo na lang sabihin ‘yan ulit, ‘di ba? Parang hindi  ko namang pinipilit na sabihin  niya ang totoo pero ‘wag ding siyang magsinungaling,” bulalas niya.

Pero totoo bang ayaw niyang magpa-sexy si Dawn kaya hiniwalayan niya?

“Ano ako tatay? Hindi  naman ako ang tatay niya, eh!,” tumatawa niyang sagot.

Pero mayroong mga selosong boyfriend.

“Buhay naman po niya ‘yun. Alam ko naman na pumapasok siya sa pag-aartista, kasama naman ‘yan. Kung ‘yan ang problem sa simula pa lang na nalaman ko na mag-aartista siya, hindi ko na dapat ginilfriend, ‘di ba? The movie were I met her, nagpa-sexy na rin siya, eh!So, kung iisipin mo, ba’t naman ‘yun ang magiging rason ng break-up,” sey pa niya.

Okey naman daw sila ni Dawn ngayon. Kamakailan ay gumimik sila kasama ‘yung director nila sa The Animals (movie na pinagsamahan nila noong araw at dun sila nagkakilala). Hindi naman daw sila nag-aaway o anything. Nagtanguan lang daw sila at nagkamustahan. Maayos naman daw kasi ‘yung paghihiwalay nila. Hindi raw sila bitter sa isa’t isa. Noong birthday pa nga raw ni Dawn ay binati niya ito sa text.

May  bago ba siyang girlfriend ngayon?

“Bakal.ha!ha!ha! Gym lang,” tugon niya.

‘Yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …