Friday , July 1 2022

Albie, napag-iwanan na nina Kathryn at Julia

ni  Roldan Castro

UMPISA pa lang ng interview sa set visit ng Confessions of A Torpe ay lumapit na agad ang PA ni Albie Casino para sabihing ‘wag magtatanong tungkol kay Andi Eigenmann. Binara namin tuloy ang PA na ‘wag siyang mag-alala dahil wala kaming balak na magtanong tungkol kay Andi dahil pinaglumaan na ang isyu at wala namang bago.

Huling pagkikita nga nila ni Andi ay nagkamustahan lang sila at nagtanguan lang. Hindi sila nag-usap. Matagal na raw ‘yun at hindi niya maalala.

Marami nang pinagdaanan si Albie at lumamlam na ang career niya dahil sa isyu sa kanila ni Andi, pero protective pa rin ang bagong nagma-manage sa kanya. Hindi na lang nila hayaan si Albie kung sakaling itanong si Andi dahil matalino naman siya, kaya niyang itawid at mairaos na sagutin ito.

Anyway, okey naman daw si Albie sa TV5 dahil pangalawang show na niya angConfessions of A Torpe. Mukhang inaalagaan naman daw siya.

Hindi ba siya nalulungkot na namamayagpag na ngayon sina Kathryn Bernardo at Julia Montes  (kasama niya sa Mara-Clara) sa primetime na supposed to be ay kasabay niya sana ngayon kung hindi siya naugnay sa eskandalo?

“Hindi naman. Mahihirapan din ako ng sobra ‘pag ganoon ‘pag kasabay ko sila tapos nag-aaral pa ako. So, hindi ko alam kung maba-balance ko ‘yun. Eh, dito sa TV5  understanding sila sa school, sa schedule. ‘Di nila ako pinipilit ‘pag sinasabi kong school ang priority ko, okey lang sa kanila. Nag-a-adjust sila para sa akin,” bulalas niya.

Export Management ang kursong kinukuha niya ngayon sa College of Saint Benilde ni Albie at incoming third year siya pagkatapos ng term na ito.

Kumusta naman siya sa Confessions of A Torpe?

“Okey naman po. Lahat po ng tao rito ay sobrang bait, nakatutuwa po ang lahat ng tao rito, so very light ‘yung set namin,” aniya.

Pero bad boy siya rito dahil siya ang nambu-bully kay Mark Neumann. Kung ano ang experience noong high school ni Tupe (Ogie Alcasid) kay Wendell Ramos, ganoon din ang ginagawa niya ngayon kay Mark. Okey lang daw na salbahe ang role niya dahil kadalasan ay mababait ang papel na ginagampanan niya. ‘Yung last show nga niya ay pari siya. At least, ibang klase naman daw ngayon.

First time raw niyang nakatrabaho sina Ogie, Gelli De Belen, at Alice Dixson. Very nice raw sina Ogie, Jojo Alejar, Bayani Agbayani. Sobrang light daw sa set at walang intimidation sa mga veteran.

Speaking of Confessions of a Torpe, kuntento ang TV5 sa natatanggap nitong ratings. Mataas daw ito sa mga programa ng Kapatid Network. At sa linggong ito, magaganap ang panliligaw ni Ogie kay Gelli. Kukumbinsihin ni Adonis (Bayani) at ni Santo (Jojo) si Tupe (Ogie) na ligawan si Luz (Gellie) upang makapag-praktis manligaw at mawala ang katorpehan nito. Ikasasaya ni Luz ang gagawing panliligaw sa kanya ni Tupe dahil matagal na rin siyang may feelings para sa 40 year old na torpeng binata. Kikiligin naman si Monique (Alice) ‘pag nalaman niyang nagde-date na sina Tupe at Luz. Pero anong gagawin ni Tupe ‘pag tuluyang nahulog na ang loob sa kanya ni Luz? Paano na ang feeling niya para kay Monique?

Samantala, si Hanley (Mark) ang magiging confidant ni Lovely (Shaira Mae) sa ilang beses na panloloko sa kanya ng boyfriend niyang si Jack (Albie). Pero ‘tila kahit anong chance ni Hanley, sablay pa rin siya dahil sa kanyang katorpehan. Makagawa na kaya ng paraan si Hanley para mahulog ang loob sa kanya ni Lovely? O mauunahan na naman siya ni Jack?

About Roldan Castro

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply