Thursday , June 4 2026

Pinay, Chinese dinukot sa Sabah

SABAH – Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pagdukot sa Filipina at Chinese national sa isang floating resort sa Semporna, isla ng Sabah.

Sa ulat ng Malaysian media, tinukoy ang report ni Eastern Sabah Security Command (ESSCOM) director general Datuk Mohammad Mentek na nangyari ang insidente bandang 10:30 p.m. kamakalawa.

Sinasabing nagtatrabaho sa resort ang nabanggit na Filipina.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lulan ng motorized banca ang mga suspek nang pasukin nila ang Singamata Reef Resort at pwersahang dinukot ang mga biktima.

Magugunitang noong nakaraang taon, sinalakay din ng armadong grupo ang Pom-Pom island malapit sa Semporna, na ikinamatay  ng isang Taiwanese national.

PAGDUKOT KINOMPIRMA NG DFA

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ang nangyaring pagdukot sa Filipina at babaeng Chinese national habang nasa Singamata beach resort sa Semporna town sa Sabah, Malaysia.

Sinabi ni DFA Spokesperson Assistant Sec. Charles Jose, dakong 10:30 p.m. kamakalawa, nakatanggap ng report ang Embahada ng Filipinas sa Kuala Lumpur na may dinukot na Filipina at Chinese sa naturang resort.

Agad aniyang nagresponde ang Philippine Police Authorities na may hurisdiksyon sa lugar ngunit ‘di na nila naabutan ang mga suspek.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …