Thursday , June 4 2026

Baliwag cop sibak sa Bookies

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang 29 katao bunsod ng pagpapalaro ng illegal bookies sa pagsalakay ng mga awtoridad kamakalawa ng tanghali sa Baliwag, Bulacan.

Base sa report ng tanggapan ni Central Luzon Police Director, Chief Supt. Raul Petra Santa, dakong 1 p.m. nang salakayin ng mga awtoridad ang compound sa #624 Lajom St., Brgy. Sto. Cristo at nahuli ang mga suspek habang nagbobola ng illegal bookies.

Nakompiska mula sa mga suspek ang stamp pad, rubber stamp, ball pens, calculators, at nakolektang pera. Kompiskado rin ang bulto ng mga papelitos ng bingo milyonaryo/STL.

Bunsod ng insidente, nasibak sa pwesto ang hepe ng Baliwag Police Station na si Supt. Julius Domingo alinsunod sa “one-strike policy” ng pulisya laban sa illegal na sugal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …